DAPAT MALAMAN BAGO MAG-APPLY NG POST-PAID PLAN

00:25

Marami sa atin ang naeengganyo sa promo ng mga network companies kung saan may "libreng" cellphone daw ang kanilang post paid plan. Naisipan mo bang mag apply ng post paid plan dahil akala mo e makukuha mo ang cellphone na sabi nilang libre pagkatapos ng plan mo? Kung oo ang sagot m, nagkakamali ka.


Pagkatapos ng plan mo ay madedeactivate ang "libreng" cellphone mo at hindi mo na ito magagamit kahit dalhin mo pa sa mga repair shop. Magiging dead phone na siya. Dahil ang totoo, gumagana lamang ang mga cellphone na sabi nilang libre habang epektibo ang plan mo.

Halimbawa, nag apply ka ng post paid plan para sa latest iphone na sabi nilang libre. Mayroon siyang lock-in period na 24 months, ibig sabihin kailangan mo na magbayad every month. Pagkatapos ng 24 months at hindi mo nirenew ang plan mo, ang iphone ay ibloblock na ng network at hindi mo na magagamit. Kapag pinunta mo sa mga repair shop e sasabihin niang sa network ka dapat pumunta.

So, ang dapat mong malaman bago mag apply ng post paid plan ay hindi talaga libre ang phone na sinasabi nila.

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images