MGA DAPAT MALAMAN BAGO KUMUHA NG CREDIT CARD

01:48

1. HUWAG BAYARAN LANG ANG MINIMUM, BAYARAN NG BUO ANG UTANG BAGO ANG DEADLINE. 

Ito ay dahil ang utang ay napapatungan ng interest at ang utang na may interest ay mapapatungan ulit ng interest hanggang sa lumobo ang iyong utang. Hindi titigil ang pag interest ng utang kahit binabayaran mo ang minimum, tuloy tuloy na nag interest ito hanggang mabayaran mo ng buo ang halagang ginamit mo.

Ang computation ng utang mo ay:
(original na utang-minimum) + (interest rate)* interest rate

Halimbawa: CREDIT: P5000 sa buwan ng January, binayaran mo ang minimum na P1000. Kunwari 2% per month ang interest o 12% per year. Ang magiging kompyutasyon ng utang mo ay:


MONTH
UTANG + INTEREST
UTANGTOTAL
February
Php 5000 x 2% =
Php 5100
March
P5100 x 2%
P 5202
April
P 5202 x 2%
P 5306.04
May
P 5306.04 x 2%
P 5412.52
June
P5412.52 x 2%
P 5520.77

Kung mapapansin ninyo ay may extra P520.77 pa kayong babayaran maliban sa original na utang na P 5000. Isipin niyo kung puro minimum ang binabayaran ninyo every month at pinaabot niyo ito ng isang taon. Magkano na ang dapat niyong bayaran?

ANG INTEREST AY HINDI TITIGIL HANGGAT NABAYARAN NINYO NG BUO ANG UTANG AT INTEREST. HINDI RIN TITIGIL ANG PAG INTEREST KAPAG MINIMUM LAMANG ANG BINAYARAN NINYO.


2. KAYA MO BANG BAYARAN NG BUO ANG CREDIT CARD LIMIT MO?

Maraming nagyayabang na mataas na ang kanilasng card limit. Ngunit ang tanong, kaya mo ba itong bayaran? Tandaan na ang pera mula sa credit card ay utang. Hindi mo it opera at dapat bayaran. May sapat ka bang pambayad?


3. MAS MALAKI BA ANG NAKUKUHA MO NA BENEPISYO KAYSA SA ANNUAL FEES?

Ang annual fees  ay mula P350 pataas na halaga na dapat mong bayaran bawat taon. Mas nakakaipon ka ba gamit ang credit card mo kaysa sa binabayaran mo na annual fees?


4. KAILANGAN MO BA ANG CREDIT CARD PARA SA CASHLESS TRANSACTIONS?


Kung ang dahilan mo ng pagkuha ng credit card ay dahil gusto mo ng cashless transaction, kumuha na lamang ng prepaid card o mga debit card. Hindi ka pa mababaon sa utang.

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images